Saturday, August 9, 2014

Revelation 101

Tanggap kita Hun.. Kahit ano ka pa.. Ilang beses ko na nasabi sayo, masakit, sobra, pero dahil mahal kita, kaya ko tanggapin lahat lahat :'(


Ang hindi ko lang matanggap ay ang may kahati ako sayo; Alam mo, naiisip ko na sana, mas minahal pa kita dati, sana napantayan ko ng higit ang ibinigay/ipinaramdam mo saakin dati.. Kung minahal kita ng tama at sapat, kung hindi ko lumayo sayo, siguro hindi sumagi sa isip mo na lumayo ang loob mo saakin at hindi ka sana naghanap ng ibang magmamahal sayo..

But we are now in this situation; and what more can I do, I'll just choose to go with the flow of the river.. Although I will still guide you to sail until you will know your destination.. I'm still hoping that you will end sailing where I am.. Waiting for you. Hoping and praying that you will not get lost in your journey and confusion. 

Andito ako Hun, I am willing to help you. Tama ang desisyon mo na maging tapat saakin, gusto kita tulungan, gusto kong damayan ka kung ano mang gumugulo sa pagkatao mo. Isa ako sa higit na nakakakilala sayo. Sapat na siguro ang almost 7 years that we know each other and what we have been through. I won't leave you even if you push me; and I think I will not get tired to guide and help you in all aspects. Kahit dumating ang kinatatakutan ko na iwanan mo ako, I can promise that we can still be that best friends/soul mates we can ever be. 



Tama yang quote na yan, kahit tagos sa buto ko ang sakit, ika nga, REALITY BITES. Inihahanda ko na din ang sarili ko sa araw na mag iiba na ang STATUS natin.. siguro status lang mababago, pero ang treatment ko sayo, asahan mo walang magbabago.. Ako pa din ang hunny na sinagot ka noong Feb 17 2008. Ako pa din ang taong kasama mo bumuo ng pangarap, pangarap natin sa isat isa, sa pamilya natin, at pangarap natin para SA ATIN. You are my everything Ken, kahit hindi ka pa kasing macho ng iba, o hindi marunong mag basketball o magaling kumanta, kahit mas mabango at vain ka pa kesa saakin, at kahit may gynecomastia ka at walang abs, ikaw ang minahal ko, minamahal at mamahalin pa.

I know God has purpose bakit Nya tayo pinag meet; kung bakit tayo naging magkaibigan, nagmahalan, nagbuo ng pangarap at ngayon ay parehong nasasaktan. Kung ano man yun, hindi pa natin alam ang kasagutan kung ano ang pinaplano Nya.. Isa lang ang alam ko: Kaya natin ito. Manalig lang tayo sa Kanya at alam ko, malalagpasan din natin ito. 

Pasensya ka na kung hindi ko mapigilan ang umiyak tuwing gabi. Naaalala ko lang ang nakaraan, ang mga panahong sobrang saya natin, na parang wala ng bukas; Na we were young wild and free. Naiiyak din ako siyempre sa lungkot dahil bakit naging ganito ang kinahitnan ng "headturnerz" couple. Naiiyak for our vague future together, knowing that you are still confuse and undecided.. Pinanghahawakan ko nalang na sana, SANA may chance pa din, sana magtagpo ulit tayo in the end... Na tayo din sa huli.


No comments: