Thursday, September 4, 2008

Thank You

by ken

Thank you for everything...I'm so touched hun. Please never forget that I really love you so much.
I dont stop from praying for our joyful and prosperous future. I love your family. Thank God cause it's never been so hard for me to have fun with your kin. You really have a great and cool family. Your clan iz so cool. I hope okay na kayo ni mommy hehe.

Lapit na natal day ko.......hoho
Legal age na din.......
I'm happy to have you. You are the greatest gift I ever had for almost 20 years of being a geek. I love you so much. What I can promise to your family is the assurance of your happiness being with me.....being with the cutest pokemon hoho.

I love you
Take care
God Bless
(.!_!.)
Sana makapasa tayo sa November Board Exam this 2008

Wednesday, September 3, 2008

Salamat, Hun

by Roze

kumustasa hun?! sobrang miss na kita. tagalog na to kasi medyo nosebleed ako pag english. eh pag japanese naman, malamang hindi mo maiintindihan. saka ok na din pag tagalog, kasi pag in-english ko pa e malamang katabi mo na naman si Mr. Webster kakahanap ng meaning ng words ko :D Im here at my cousin's place, este, andito ako sa haws ng pinsan ko, dito ako matutulog, kaya nakapag sulat na naman ako sa ating weblog..

actually, (sabi na nga't tagalog eh), sa realidad, nasabi ko na sayo sa text message, landline at personal kung gaano ako nagpapasalamat sayo; dahil sinakripisyo mo ang araw ng linggo para lamang makapiling ako, ang mga kaibigan ko at mga pamilya ko sa araw ng aking kaarawan.. (lagyan ko na ng konting english ha, humahaba eh, medyo madali lang naman ang terms na gagamitin ko), thank you for spending your time with me, its not just an ordinary day, but it was my birthday. although last year e kasama din kita nung 23rd birthday ko (duty sa TMC), iba ngayon coz mag "syuta" na tayo, i mean, mag asawa na pala hahahaha. we're already in a relationship. mas masaya feeling having your loved one with you on your special day, of course you completed my birthday along with the half-bunch of my family. thanks sa napaka sarap (daw) na carbonara, pwedeng pwede ka na mag asawa! as you can see, very warm ang welcome ng family ko sayo, lalo na si travis na ayaw ka na bitawan, nababakla na naman ata sayo.. nahihiya nga ako sayo, pero wala kang magagawa, ako gf mo eh! saka sa una lang yang hiya hiya, pag mag asawa na tayo, ikaw na ang magluluto lahat, maglalaba, lalo na maghuhugas ng plato etc.. alam ko expert ka jan hehe. biro lang. tutulungan naman kita, taga punas ng pawis mo..

thank you sa lahat, kahit sa P2 na pasa load mo pag nangangailangan ako ng load, at minsan kung mejo rich-mode ka, P80 ang nilo load mo sa'kin, kahit alam kong kapalit nun ay isang araw na wala kang pagkain.. na realized ko na ganun mo 'ko talaga kamahal... ay nakaka touch

im very thankful at ipinagdadasal mo din ako, dahil kung minsan ay nakakalimutan kong mag pray.. siguro kaya pa rin ako buhay hanggang ngayon ay dahil sa prayers ng ibang tao for me, si mami, at ikaw na isinasama ako sa prayers nyo..

salamat at ikaw ang naging bf ko, kahit kulang ka sa itsura, napaka BUSILAK naman ng puso mo.. nauunawaan mo ako kung ako man ay "wala sa lucid interval" (oh, wag ka na tumingin sa psychiatric book--"baliw" ang meaning nyan), hinahabaan mo ang iyong pasensya, kung pikon man ako dahil sa kaka pang asar mo, o kahit asarin man kita, hindi ka nagagalit. alam mo namang jokes ko lang kung ano man ang sinasabi ko sayo.. pero lagi mong tatandaan na JOKES ARE HALF-MEANT, so, mejo real din cya bwahahahahaha :p

mahal na mahal kita, sana, sa taon taon na mag birthday tayo hanggang 100 years old ay lagi tayong magkasama.. cyempre, carbonara ulit!

i wish na makapasa tayong lahat this coming nov2008 board exam para at least, RN na tayo, sa ganun ay pwede na din akong maging RN-registered nanay ni kyle. hehehehehe. gusto ko na ding magsilbi sa ospital. nami miss ko na ang oxygen tanks, ECG machines, syringes, cute doctors, masusungit na head nurses, dugo, sugat, at marami pang iba.. naririnig ko na ang tawag ni Nightingale, ika nga, "nursing is a calling"

i love you very much. sana wag mo ko pagpapalit. pagseselosin. paiiyakin.

by the way, advance happy 21st birthday too.. legal age ka na!


PS. ang ka-cheap an mong gift na wallet, ayun, ginagamit ko na ha! aylavit!